Kahit ano lang.

Posted by jacjac , 6/09/2010 6:04 PM

Nakakapanghina. Nakakapagod. Alam mo yung sobrang galit ka pero wala ka ng lakas para magwala. Wala ka ng lakas para sumigaw. Kahit na gusto mong sumigaw ng todo, ung tipong sasabog ang planetang earth, wala.. Madami kang mga bagay na nadidiskubre na hindi naman dapat kasi inuungkat pa. At kasi naman, hindi naman makakatulong sayo jacjac yang pinag gagawa mo. Oo, tanga ka, lalu ka pang nagmumukang gago dahil sa pagiging ususera mo. Abnormal ka bang tunay? Ansarap magmura pero bawal sa blog ko. Nakakahiya eh, parang walang breeding..

Kung minsan ang swerte ng mga taong walang pinag aralan, kung minsan maswerte ang mga taong hindi kilala (naks! feeling sikat ako oh!) Minsan maswerte ang mga taong pakawala. Pwede silang magmura. Pwede silang magwala. Pwedeng pwede silang manigaw at manapak ng tao. Pwede silang.. pumatay?? Wag.. Hindi na yon gawaen ng mortal na tao. Seryoso, minsan naisip ko maswerte sila. Hindi tulad ng mga taong, my breeding kuno, kelangan mgtimpi. Kelangan lunukin lahat ng sakit. Kelangan manahimik para lang mapangalagaan ang pangalan. Eh put@#$%^& pala.. Hindi ko kaya yun sa ngayon. Masamang masama ang loob ko. Andami kong problema. Hindi ko alam kung maniniwala pa ako. Pero dapat. Kelangan. Para maisalba ang pag-ibig. Anak ng pateng na pag-ibig yan. Kung minsan hindi na lang ako kumikibo sa mga maliliit na alibi nya, at dahil dyan, naiipon.

Gusto kong maniwala. Pero inaalalaya ko din, dahil baka dumating nanaman sa puntong madissapoint ako. Baka maniwala nanaman ako sa mga bagay na isang malaking kasinungalingan. Sana dumating ang araw na kaya ko ng lumaban at kaya ko ng mawala ang isang taong naging kahinaan ko. Sana dumating ang araw na magkaron ako ng lakas ng loob na saktan din sya. At higit sa lahat, sana matapos na ang nirerender ko para makauwi na ako ng bahay.

Eto ang entry na hindi pinag isipan. Kung ano ang ng ppop-up sa utak ko, Type lang dito. Nasa height of anger kasi ako ngayon, (anu daw? mali mali na ako.)

0 Response to "Kahit ano lang."

Post a Comment