Elemento.

Posted by jacjac , 5/31/2010 12:22 PM

7minuto.. Oo, 7minuto na lang at ja-jackpot na ako.

Nitong umaga lang, nagising ako ng alas-5. Napaka aga kumpara sa araw na araw na gising ko na alas-6 bago pumasok sa trabaho. May isang oras ako na allowance. Pero nalate pa din ako. Ngayong araw na ito, hindi ako naisalba ng Hataw at Kuliglig. Malas ang araw ko ngayon.

Nalate ako dahil sa mga sumusunod na Elemento:

1. Elemento ng pagkagulumihanan. Late na ako natulog kasi hanggang ngayon magulo pa din ang utak ko. Kahit isang oras man lang ata hindi ako nakaramdam ng tinatawag nila na "PEACE OF MIND". Wag niyo ng itanong kung bakit, baka pati kayo mawalang ng "PEACE OF MIND".

2. Elemento ng katangahan. Nalate din ako kasi pag gising ko ng umaga, magulo pa din ang utak ko. Nakatanga. Tulala. Sabi nila antanga ko daw. Wag ng pahirapan ang sarili at bitawan ang mga bagay kung saan hindi ka na masaya. Hindi ka matatawag na inlab kung hindi ka nagpapakatanga di ba? Yun lang naman yung akin. Hanggat kaya pa, mas piliin na manatili.

3. Elemento ng kaharutan. Nakita ko ang bunso kong kapatid. 19yrs old na pala sya. Dahil sa makulit kaming dalawa, nakipagharutan pa ko sa kanya.

4. Elemento ng musika. Ewan ko. Nung nakita ko yung gitara at keyboard. Tumugtog pa ako. Parang tinamad na nga ako pumasok. Kaso hindi pwede.

5. Elemento ng katamaran. Hindi ako ang tamad sa bahaging ito. Kundi ang longkatuts namin. Pagkakita ko sa uniporme ko, hindi pa nakaplantsa. Nakakainis. Dahil sa nagbi-busyhan sya, ako na lang ang gumawa, kaya ko naman magplantsa ng sarili kong damit.

6. Elemento ng katakawan. Dahil super late na ako, kelangan ko ng umalis. Pero nagutom ako bigla. Nakita ko ang pagkain sa mesa at bagong saing na kanin, kaya naman naghanda ako ng baon ko para may kainin ako sa opisina. tsk tsk.

Kaya naman, 7:15am na ako nakaalis ng bahay. At sa pagkakataong ito, hindi epektib ang hataw at kuliglig. Sa buwan ng Mayo, meron na akong 34mnts late. 40mnts lang dapat ang late sa isang buwan. Since nalate ako ng 7mnts kanina, ang kabuuan ng aking katamaran ay 41mnts! SAyang! isang minuto lang!! Kaya naman meron na akong 30days suspension... Nanaman.. nakakainis..

0 Response to "Elemento."

Post a Comment