Kapeng Barako lang ang kaya ng bulsa ko

Posted by jacjac , 5/21/2010 3:28 PM


Tama, dapat na nga ata ibasura ang SWS o isa sa paraan ng pag se-survey ng bilang ng mahihirap sa Pilipinas. Hindi na kailangan ng malawakang pananaliksik o pag se-survey.

Naniniwala ka bang "STARBUCKS ang basehan ng statistiko sa pag-unlad ng ating bansa?”

Madami sa atin, lalo na sa mga kabataan ang nagnanais na magpahinga sa loob ng establisimentong STARBUCKS. Bukod sa paborito nila ang kape, may kakaibang pakiramdam din daw na angat sila sa status ng buhay ng iba. Mas popular ‘to kompara mo sa ibang kapehan. Ewan ko kung bakit, baka kasi mas sosyal. Pero kung tutuusin, para na lang itong isang pang masang fastfood tulad ng Jollibee na hindi naman masama kasi masarap naman ang mga pagkain, at dahil paborito ko ito simula nung bata pa ako. :)

Katulad ng iba, na adik na din ako sa kape. Pero hindi sa starbucks. Hindi kaya ang araw araw na P200.00 para lang sa isang baso ng kape. Kopiko na lang, P6.00 lang. Kahit 10 baso ng kape ayus lang. Basta yung mumurahin. Nahiligan ko ito simula nung malapit na ako grumadweyt. Duon kame natutulog sa bahay nila Ley alang-alang sa tatlong thesis (ewan ko kung bakit naging tatlo, ang hirap kaya nun!), samahan pa ng 10 major plates at ang required na scale model. Na ang due date ay isang Linggo na lang at bigayan ng class card. Masarap magtimpla ng kape si Ley. Brewed kasi kaya naadik ako.

Mabalik tayo sa STARBUCKS. Basta naka starbucks ka, sosyal ka na. Anyway, hindi ko na pahahabain ang entry na to. Madame naman blog na nakakalat patungkol sa STARBUCKS. Magbasa ka na lang ng iba, ayun sigurado mas may sense pa. Naki uso lang din ako sa mga blog tungkol dito. Uso nga kasi. Gusto ko lang din kasi ma mention c Ley Malabanan (kelangan imention ang apelyido kasi may ibang sobrang epal na Ley F____ o si Leonora Fuen___). Namiss ko din sila Jo at Malissa. Namiss ko silang lahat.. :(

1 Response to "Kapeng Barako lang ang kaya ng bulsa ko"

jacjac Says:

uo nga pala.. Si Miley Cyrus pala ang tinaguriang JEJE QUEEN! uo, trivia yan ha, kahit papano nadagdagan ang kaalaman niyo,, LOL! basta jejemon queen, si miley cyrus ang panalo.. :)

Post a Comment