Humahataw na Kuliglig

Posted by jacjac , 5/22/2010 3:56 PM

Malayo, lage pang trapik dahil na din sa tulay na ginagawa sa c-5. Mas makakaginhawa daw. Lintek, palpak ang plano nila. Lalong nagtrapik pagkatapos ng proyekto. Kaya minabuti nilang isara na lang at ibalik sa dating ruta ang mga sasakyan. Ilang milyon ba ang budget sa proyektong yun at parang nagtapon lang sila ng pera?

3days + 6days + 12days = 21days. Eto ang bilang ng suspension ko bunga ng katamaran ko pero trapik din kasi eh (dahilan ng mga taong tamad). Magmula sa Sta. Cruz, hanggang Novaliches ang byahe ko.Hindi ako nag iisa. 50% ng empleyado ng kompanyang ito ay may suspension. Sa iba marahil ay pabor ang pagka suspendido nila. 6days kasi ang pasok sa amin, whole day kahit Sabado. Marahil ang pagkasuspendido na din ang paraan para makapag bakasyon. Pero hindi sa akin, kasi sa 21days na yun, wala akong pera. Hindi naman kasi ako mayaman gaya nila. Imagine, 21 days kang walang sahod? Anak ng tupa, mayayaman lang hindi aangal sa ganung sitwasyon.

Anyway, nitong isang buwan.. Proud akong ibalita na hindi na ako nalalate. Bukod sa ayaw ko na ng pang apat na memo at 30 days na kasunod na pagpataw sa mga nalalate kagaya ko, sumasakay kasi ako ng KULIGLIG. Mula sa D.Jose hanggang Blumentrit lang naman, tapos sasakay ako ng HATAW. Oo, yung hataw na jeep na maingay. Yung tipong sasabog ung utak mo sa sobrang lakas ng tugtog. Dumadagundong. At pakiramdam mo nasa hukay ang isang paa mo dahil sa sobrang bilis na pagmamaneho ng kaskaserong driver.

Isang araw na nagtaxi ako, nalate pa din ako dahil na din sa pag aabuso ng ibang driver, pinapatagal ang metro para kumita sila. Hindi porke intsik ang apelyido ko eh mayaman na ako. Muka lang ho akong mayaman pero ang totoo, dukha ho ako manong! (nakanang!). At nung nakaraang Linggo nga eh ngkuliglig ako at hataw.. Aba! Akalain mong 15mts pa lang bago mg 8am eh nka swipe na ako. Sobrang saya kaya nun!

Kaya naman iniisip ko na lang na mas masarap langhapin ang alikabok sa umaga, ang init ng panahon at lagkit ng katabi mo dahil na din sa punuan ang sinasakyan ko para dire diretso na ang byahe kesa malate ako. Kahit na hindi na ako magtaxi, ganun din naman yun at peperahan ka lang. Kahit na pakiramdam ko eh maaaksidente kame, wala na akong pakelam. Pag oras mo na, oras mo na. Ang importante, hindi ako malalate!

Kaya naman ang entry na to ay dedicated sa mga driver ng kuliglig, at sa mga maangas na driver ng byaheng Novaliches! Kahit asar sa inyo ang karamihan dahil isa kayu sa cause ng pagtatrapik at mga aksidente, may isang tulad ko na nagpapasalamat dahil naging tagasalo kayo sa aking katamaran sa pag gising sa umaga. Para sa'kin, mga bayani kayung tunay! Salamat ng madame! Hindi na ako nalalate! :))

0 Response to "Humahataw na Kuliglig"

Post a Comment